PDEA agent kinasuhan sa iligal na droga

KINASUHAN ng paglabag sa Republic Act 9165 o illegal possession of illegal drugs ang isang ahenten ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Poblacion 2, Tagbilaran Bohol.

Dahil dito, nagpadala na ng imbestigador at abogado si PDEA-7 Regional Director Adrian Alvarino upang imbestigahan ang naturang pangyayari.

Una rito, inaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Bohol Provincial Police Office si Steven Valles isang agent ng PDEA na nakadestino sa PDEA-7 regional office.

Napag-alaman na noon pa ay may natanggap na silang impormasyon sa illegal drug activity ni Valles.

Sa inilunsad na operasyon ng mga awtoridad gamit ang isang police asset, bumili ng P80,000 na halaga ng droga gamit ang P5,000 marked money.

Sa naganap na transaksiyon iniabot ni Valles ang shabu sa police asset na agad namang naaresto sa ginanap na entrapment operation.

Nakuha sa pag-iingat ni Valles ang isang kalibre .45 pistol, PDEA ID, PDEA-badge, apat na cell-phone ATM cards, salaping mahigit sa P160,000 at iba pang mga dokumento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply