PDEA PIO chief palpak

NOONG si Undersecretary Dionisio Santiago pa ang namumuno ng Philippine Drug Enforcement Agency na mas kilala sa tawag na PDEA ay napakaganda ng samahan ng Public Information Office at ng mga mamamahayag pero nang mawala si Santiago ay tila nagwala na rin ang  ahensiya.

Simulan natin sa PIO.  Hindi ba ang PIO ang mukha ng  alinmang ahensiya o tanggapan?

Pero bakit ang PIO ng PDEA ang siya pang  may pinakamasama na imahe ngayon?
Noong nakalipas na administrasyon halos araw-araw ay mababasa mo sa diyaryo, mapakikinggan mo sa radyo at mapanonood mo sa telebisyon ang mga huli at accomplishment ng PDEA.

Mabango noon sa mga taga-media ang PDEA  dahil  halos araw-araw ay nagpapatawag ang PDEA ng  presscon para iharap ang mga na-huling  personalidad na may kaugnayan sa iligal na droga.

Ngunit magmula ng maupong PIO Chief ng PDEA  itong si Evangelen Alminario ay biglang nawala sa circulation ang PDEA.

Wala ng nababasa ang publiko  sa diyaryo  na mga accomplishment ng PDEA kung kaya malayang nakagagawa ng anomang  anomalya ang mga ope-ratiba katulad ng mga ginawa nilang raid sa Antipolo, E. Rodriguez at Tandang Sora.

Bakit? Ito ngayong ang malaking katanu-ngan ng publiko kay Usec. Jose Gutierrez, Jr.

Hindi ba kayo nagtataka, Usec. Gutierrez, kung bakit hindi mabango ang inyong pinamumunuan, na sa halip na lalo nyo pang pabanguhin dahil sa “tuwid na daan” ni Pangulong Benigno Simeon Aquino ay parang nalilihis yata ng daan ang inyong ahensiya.

Sa tingin ng marami ay mali lang ang  pagkuha ninyo ng POI Chief, oo nga at graduate  itong si Evangelen Alminario ng Journalism  pero  hindi pa rin ito sapat para maging PIO Chief.

Para maging hepe  ka ng POI, dapat ay maging  media practitioner ka muna  para maunawaan mo kung ano ang trabaho ng mga mamamahayag, kung paanong humarap at makipag usap sa tao, kung paanong sumagot sa kau-sap at kung papaanong makisalamuha.

Usec. Gutierrez, Sir, bago  tuluyang malusaw o lumubog ang PDEA dapat siguro ay magpalit kayo ng PIO para dagsain uli kayo ng mga  mamamahayag.

Sana yung paghihigpit ninyo sa  PDEA Compound ay ganundin ka higpit ang gawin ninyo sa pagpili ng inyong mga pagkakatiwalaang tauhan.

Kaugnay sa naging isyu ng Lily’s Files column noong nakalipas na Sabado, ay agad na sinagot  ni PDEA , Metro Manila Region Office (MMRO) Chief, Wilkins Villanueva, ang nasabing isyu at nakasaad sa kanyang sagot na kasalukuyan ng pinaiimbestigahan ng pamunuan ng PDEA ang reklamo ng mga pamilya ng mga suspek na kanilang ni- raid.

Tiniyak ni Villanueva na kanilang papanagutin ang mga ahente na sangkot sa pagkawala ng mga alahas, pera, baril,  mga  kagamitan at personal na bagay.

Hihintayin ko po  ang magiging resulta ng  mga imbestigasyon dito, sana lang ay huwag naman itong abutin nang  siyam siyam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply