Peace talks tuloy sa kabila ng pagdukot ng NPA sa mayor

ISINANTABI ng Malakanyang ang ginawa ng New People’s Army (NPA) matuloy lamang ang pagsusulong nito ng usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines–National Democratic Front (CPP-NDF).

Sa ulat, plano ng mga rebelde na isailalim sa “kangaroo court” ang dinukot na si Lingig, Surigao del Sur Mayor Henry Dano at ideklara bilang “prisoners of war” ang apat na miyembro ng BJMP.

Ayon kay government chief negotiator Alexander Padilla, mas makakabuting ituloy ang pag-uusap kahit maging sila ay duda rin sa sinseridad ng mga komunista.

Aniya, wala pa namang pagbabago sa panibagong round ng peace talks sa NDF sa darating na Setyembre, kung saan isasalang ang usapin ng socio-economic reforms.

Kabilang sa ikinalulungkot ng government panel ang pagtanggi ng CPP-NPA-NDF na magdeklara ng tigil-putukan habang nag-uusap.

“Hinihingi sana natin na magkaroon ng tigil-putukan o ceasefire habang nag-uusap, kaya lang ang problema talagang ayaw nila,” ang pahayag ni Padilla.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply