Peacetalks sa Malaysia matatag pa rin

INIHAYAG ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kailangang resolbahin muna ng gobyerno ang kanilang panukala para sa pagbuo ng isang “sub-state” sa Mindanao, bago pag-usapan ang initial peace proposal ng pamahalaan.

Ayon kay Ghadzali Jaafar, MILF vice chairman for political affairs, ikinadismaya umano nila ang kabiguan ng Philippine government na sagutin ang kanilang naunang kahilingan sa katatapos na exploratory talks sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pero tiniyak naman ni Jaafar na pag-aaralan din nila ang proposal ng gobyerno pero sa ngayon ay hindi umano nila tinatanggap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply