Peak motors- Mitsubishi bukas na sa Tondo

PORMAL nang binuksan ng Mitsubishi Motors Philippines ang kanilang showroom sa Jose Abad Santos kamakailan lamang.

Mismong ang presidente ng kompanya na si G. Hikosaburo Shibata at ang Executive Vice president na si G. Taizo Furuhashi at ilan pang top executives ng MMPC ang nagpasinaya sa PMPI showroom at service center sa Tondo.

Ang alkalde ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim ay dumalo rin bilang pagpapakita ng suporta para sa world-class na pasilidad na ito sa Kalakhang Maynila.

Limang sasakyan ang kasya sa PMPI-Jose Abad Santos showroom, at matatagpuan din dito ang isang service center na kung saan maaaring dalhin at patignan ng mga Mitsubishi owner ang kanilang sasakyan.

Ang PMPI-Jose Abad Santos showroom ay bukas pamula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, at 8:00 ng umaga hanggang 6:30 ng hapon tuwing Sabado at Linggo. Bukas ang service center tuwing Lunes hanggang Sabado, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply