Pekeng glutathione nakasisira ng utak

PINAG-IINGAT ng Senado ang sambayanan sa pagbili ng murang gamot na pampaputi ng balat dahil sa pagkalat sa mga lokal na pamilihan ng pekeng glutathione na nakapipinsal ng utak, bato, baga at iba pang bahagi sa katawan ng tao.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on trade and commerce, ibinunyag ng Ecowaste Coalition na talamak pa rin ang bentahan ng iba’t ibang brand ng glutathione na ipina-recall na ng Foods and Drugs Administration (FDA) dahil sa peligro sa kalusugan.

Ayon kay Aileen Lucero, safe cosmetics campaigner ng Ecowaste Coalition, bumili sila ng 12 brand ng glutathione sa mga tindero sa Quiapo, sa mga Chinese drugstore at iba pang tindahan sa Metro Manila upang maipasuri.

“Mula sa doseng produkto, 11 po doon ang mayroong mataas na mercury, mula sa 1,085 to 28,600 parts per million na way above sa one parts per million allowable na sinet ng FDA,” paglalahad ni Lucero.

Nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Manny Villar, chairman ng komite, dahil ang sobrang mercury exposure ng isang tao ay nakapagdudulot ng pinsala sa kanilang utak, kidney, lungs, reproductive health, immune system, hematologic system o sa dugo ng katawan at iba pa.

Sinabi ng senador na dahil ang ibang brand ng glutathione na ipinapahid lamang sa mukha at ibang parte ng katawan ng tao ay nabibili lamang sa halagang P80 hanggang P200, marami tuloy ang naeengganyo na bumili nito na hindi alam ang peligrong dulot nito sa kanilang katawan.

Dahil dito ay giniit ni Villar sa FDA na gumawa ng kaukulang hakbang para higpitan, kundi man ipagbawal na, ang pagbebenta ng glutathione dahil sa peligrong idinudulot nito sa katawan.

“The FDA looks at the safety and efficacy of drugs but we have really no control over how the medical world used the medicine. That is not our mandate, that’s not in our jurisdiction but, of course, we try to communicate that’s why we issue the advisory,” sagot naman ni FDA Director Suzette Henares-Lazo nang tanungin ito ni Villar kung may magagawa ang ahensya upang pigilin ang pagkakalat ng pekeng produkto.

Tiniyak naman ng kinatawan ng Belo Medical Group na ang glutathione na ginagamit nila sa kanilang mga pasyente ay hindi nakaaapekto sa kalusugan ng kanilang kostumer.

Sinabi ni Dr. Philipp Bunag, assistant medical director ng Belo clinic, na sa 35,000 na naging kliyente nila ay wala pa ni isang kostumer ang nagreklamo na nagkaroon ng epekto sa kanilang katawan ang glutathione.

Ipinaliwanag pa ni Bunag na ang dosis ng intravenous (IV) glutathione o injectable glutathione na binibigay nila sa kanilang customer ay nasa 600 grams kada linggo lamang hindi katulad ng ibang gumagawa nito na dinodoble ang dosis at inaaraw-araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply