Perjury isinampa ni Mike A vs Po

NAGSAMPA ng kasong perjury si dating First Gentlemen Mike Arroyo sa Pasay Prosecutor’s Office  laban kay Archibald Po, presidente ng Lion Air Inc.

Ang pagsasampa ng kaso ay kaugnay sa pagkakadawit ni Po sa kanyang pangalan bilang may-ari ng dalawang lumang helicopter na ibinenta sa Philippine National Police (PNP) sa presyong brand-new noong 2009.

Ang kaso ay sinumpaan ni Arroyo sa sala ni Pasay City State Prosecutor Dante Angel Marco dakong alas-tres ng hapon.

Sa kanyang statement, mariing pinabulaanan ni Arroyo na may kinalaman siya sa pagbebenta ng lumang chopper.

“It appears that this controversy, pertains to a transaction between Mr. Po of Lion Air and Mr. De Vera of Maptra, has turned sour. Our client is not involved,” pahayag ni Atty. Inocencio Ferrer, abogado ni Arroyo.

Naniniwala si G. Arroyo na harassment lamang ng administrasyong Aquino ang pagdawit sa kanyang pangalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply