Permanent residency giit ng mga Pinay DH sa HK

NAKATAKDANG dinggin ng korte sa Hong Kong ang kaso na isinampa ng limang domestic helpers na matagal nang nagtatrabaho at namumuhay sa bansa subalit tinanggihan ng immigration na magkaroon ng permanent residency.

Isa sa mga ito ay si Evangeline Banao Vallejos, nagsimulang magtrabaho sa Hong Kong noon pang 1986, at  tinanggihan ng immigration na mag-apply ng permanent residency noong isang taon.

Ayon batas ng Hong Kong, ang mga hindi “citizen ” na namuhay ng pitong taon ng tuloy-tuloy sa bansa ay maaaring pagkalooban ng permanent residency, makaboto at magkaroon ng pribilehiyo sa mga serbisyo para sa publiko.

Ganunpaman, hindi isinasama sa batas ng immigration ng Hong Kong ang may 292,000 domestic helpers sa pribilehiyo ng konstitutusyon.

Ang nasabing kaso na diringgin sa Agosto 22 ay nagbunsod ng mga debate sa pagitan ng mga kritiko at pamahalaan na kung sakaling paboran ang kaso ng Pinay domestic helpers ay mabuksan ang pinto para sa iba pang libo-libong mga dayuhang domestic helpers na nangangarap magkaroon ng permanent residency.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply