Perpetual netters humataw sa table tennis

NAKIPAGSIKSIKAN ang Perpetual Help Altas sa tuktok ng liderato matapos hatawin ang Mapua at San Sebastian parehong 3-1 iskors sa pagsisimula ng 87th NCAA table tennis tournament sa Mapua Gym sa Intramuros, Manila.

Ipinakita nina team captain Argel Carandang, Robert Rosales, Dennis Picondo, Vittorio Leocandio, Kenneth Igon at Adrian Remo ang kanilang lakas sa paluan upang makuha ng Altas ang 2-0 karta at makasalo sa nagdedepensang San Beda, St. Benilde at Letran sa tuktok ng standings.

Huling nagkampeon ang Altas netters ay taong 2000.

“We are doing our best para muling makuha ang titulo.” sabi ni Altas coach Joselito Almazan. “Maganda ang nilalaro ng mga bata kaya malaki ang chance namin this season.”

Para mas lumakas ang tsansang makuha ang titulo ay kailangan ng Altas na manalo ng apat o limang laban kasama na rito ang laro kontra sa St. Benilde at Jose Rizal University.

Ang top 4 na koponan matapos ang single round robin eliminations ang sasampa sa susunod na yugto na kung saan isa pang round robin ang mangyayari at ang mangungunang dalawang koponan ang maglalaban sa titulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply