Petisyon ni FG sa watchlist kinatigan ng SC

KINATIGAN ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ni dating First Gentleman Mike Arroyo para sa Temporary Restraining Order (TRO) ng kanyang watchlist order.

Una nang naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang dating Unang Ginoo bilang pagkontra sa paglalagay sa watchlist sa kanya ng DOJ sa Immigration Bureau.

Sa botong 13-0, kinatigan ng kataas-taasang hukuman ang petisyon ni Arroyo na kumukwestyon sa ipinalabas na kautusan ng Department of Justice (DOJ).

Kasama sa pumabor sa TRO ang bagong talaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na si Associate Justice Bienvenido Reyes na pormal nang nanumpa sa tungkulin kanina.

Absent naman sa Supreme Court en banc si Justice Mario Lourdes Aranal-Serreno habang may isa pang bakanteng pwesto sa associate justice.

Una nang iginiit ni Arroyo na may pag-abuso sa panig ni Justice Secretary Leila de Lima nang ipalabas ang watchlist order bukod pa sa labag umano ito sa Saligang Batas dahil hinahadlangan ang karapatan ng dating unang ginoo na bumiyahe.

Ayon sa mga mahistrado, hindi dapat ilagay sa watchlist si Arroyo dahil wala naman itong kinakaharap na kaso

Ipinalabas ng DOJ ang watchlist order noong Agosto 4 na may bisa ng 60 araw at hindi basta makaaalis ng bansa si Arroyo nang walang permiso mula sa kagawaran.

Nag-ugat ito sa kahilingan ng Senado makaraang makaladkad ang pangalan ni Arroyo sa umano’y mga biniling segunda-manong helikopter ng Philippine National Police sa presyong brand new.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply