Petron Blaze desididong isara na ang serye

KAKAILANGANIN ng Petron Blaze Boosters ang extraspecial octane para maisara na ng tuluyan ang elimination topnotchers Tropang Texters at maangkin ang kampeonato sa gaganaping Game 6 mamayang gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Sa kabila na pilay-pilay ang team ni coach Ato Agustin sa apat na top players na sina Rabeh Al-Hussaini, Lordy Tugade, Joseph Yeo at Jay Washington na pawang nasa injury list nakuha pa nilang manguna sa 3-2 best-of-seven title series.

Sa kabilang panig, ang Texters ay kinakailangang mapaglaro sina Jason Castro, Harvey Carey at PBA series Most Valuable Player Jimmy Alapag para ma-extend sa winner-take-all Game 7 ang kampeonato o tuluyang maunsyami ang pinananabikang grand slam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply