PH Dragon Boat humakot pa ng ginto

APAT na ginto na ang nasungkit ng Philippine dragon boat team sa 10th World Dragon Boat Racing Championships sa Tampa, Florida.

Habang isinusulat ito, nakadalawang silver na rin ang dragon boat racers ng bansa na maituturing na malaking achievement ng PHL sports teams ngayong taon.

Hindi pa tapos ang laban nila dahil lalahok pa sila sa championship ngayong araw na ito.

Mga nasa 2,000 athletes mula sa 17 bansa ang lumalahok sa nasabing event.

Nangibabaw ang PHL Dragon Warriors sa 200 meter men’s small boat kamakalawa habang nakuha naman nila ang ginto sa Premier Mixed Small Boat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply