PH embassy sa Saudi isasara ng anim na araw

ISASARA ng anim na araw ang Philippine embassy sa Kingdom of Saudi Arabia para sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Eid’l Fitr Holiday o Ramadan mula Agosto 29 hanggang Sepetember 3.

Sa ipinalabas na advisory  sa website, muling babalik ang serbisyo ng Philippine Embassy sa regular na working hours sa linggo, September 4.

“The Embassy will be closed from Monday, August 29 to Saturday, September 3, in observance of the Eid El-Fitr holidays. Regular working hours from 8:00 am to 5:00 pm, will resume on Sunday, 04 September 2011,” ayon sa advisory.

Ang mahabang bakasyon ay kahalintulad din ng long weekend sa Pilipinas sa darating na Agosto 29 at 30 na nataon na holidays.

Pagdiriwang ng National Heroes day sa Agosto 29 habang sa Agosto 30 naman para sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Holy Islamic Month of Ramadan.

Magsasagawa naman ng selebrasyon sa pagtatapos ng Eid’l Fitr  ang mga miyembro ng Islamic Community sa Pilipinas  para sa pagtatapos ng kanilang month fasting.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply