Philippine Dragon Boat team nakasikwat ng ginto

NAKASIKWAT ang Philippine Dragon Boat Federation Team ng gold medal sa 1000 meter event para sa small boat.

Ang Filipinos ay tinalo ang mga powerhouse paddlers ng Australia at Italy at iba pa dahilan upang makausad sa susunod na round.

Giniba kasi nila ang Hungary na dati nang nanalo ng 2000M gold medal.

Ayon sa International Dragon Boat Federation, hindi maaaring wala sa kompetisyon ang grupo dahil mahalaga ito dito.

Para sa pederasyon, kung wala ang Phl team ay maihahalintulad ito sa sitwasyon na wala ang Brazil sa World Cup of football.

Matatandaan na sinalo ng private sector gayundin ng television at print media ang Philippine Dragon Boat Federation Team matapos itong abandonahin ng Philippine Olympic Committee ni Jose “Peping” Cojuangco at ng Philippine Sports Commission ni chairman Richie Garcia.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply