Pilipinas, Asian stock market bahagyang nakabawi

BAHAGYANG nakabawi ngayong araw ang kalakaran sa lokal na merkado matapos ang tatlong araw na magkasunod na pagkalugi.

Ayon sa stock analysts, unti-unti nang nakakarekober ang merkado sa reaksyon ng investors kasunod ng pagbaba ng credit rating ng Amerika.

Ang benchmark ng Philippine Stock Exchange index ay umangat ng 133.11 points o 3.20 percent sa trading ngayong araw.

Mas marami ring stocks players ang nagkamit ng ganansiya.

Sumunod na ring nakakabawi ang mga Asian markets na nitong nakaraang mga araw ay bumulusok bunsod ng pag-downgrade sa credit rating ng Amerika.

Naging positibo ang hatid sa Asian stock markets sa pangako ng Federal Reserve (US central bank) na mananatiling mababa ang interest rates hanggang 2013.

Ang Nikkei 225 index ng Japan ay umakyat ng 1.3 percent pero ang export shares ng bansa ay hirap pa rin dahil sa malakas na yen.

Umakyat din ng 3.3 percent ang Hang Seng index ng Hong Kong habang ang S&P/ASX 200 index ng Australia ay tumaas ng 2.6 percent.

Maging ang stock index ng Taiwan at China ay bumawi rin.

Gayunman, nagbabala pa rin ang mga economic analysts na asahan na ang hindi estableng kalagayan ng merkado dahil pa rin sa hindi stable ang ekonomiya ng Amerika.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply