Pilipinas tinalo ng Jordan, 72-76

SA unang pagkakataon ay nakalasap ng pagkatalo ang Gilas Pilipinas Philippine basketball team sa 33rd William Jones Cup sa Taipei, Taiwan.

Lumasap ng unang pagkatalo ang Pilipinas sa kamay ng Jordan basketball team sa iskor na 76-72.

Sinabi ni Rajko Toroman, ang Serbian coach ng Pilipinas, ang team ng Jordan ang pinakamahirap na kanilang nakalaban.

Pero kahit mas maliliit ang mga Pinoy dribblers, nakipagsabayan naman sila sa matatangkad na mga Jordan players.

Una rito, ginulat ng RP team ang Iran nang talunin ang defending champion sa opening game ng Jones Cup at kahapon ay tinalo rin nila ang Chinese-Taipei.

Bukas makakalaban ng Pilipinas ang Malaysia, sa Miyerkules naman ay South Korea at sa araw ng Huwebes ay makakaharap ng mga Pinoy ang United Arab Emirates.

Ang Jones Cup ay ang pasaporte ng Philippine basketball team na makapasok sa 2012 London Olympics.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply