Pinagwelgahan na ng fans… Mark Herras Laos na

AWANG-AWA kami rito kay Mark Herras. Napaka-trying hard nang dating niya ngayon na tila sa tingin namin, di na siya makabangon sa pagkalugmok niya.
Noong isang araw, nag-mall show siya sa Angeles City, talaga namang practically, iniwan siya ng audience habang nagpe-perform.
Noong una, dami ng tao, nagkagulo nang malamang naroon si Mark. Sigawan yung mga babae, santambak ang mga bading, yung ibang shopper, they took time out to wait for Mark’s entrance.
Nang tawagan siya para umakyat sa stage, sigawan, tilian. Bumanat ng kanta, pero sintunado pala, unti-unting nawala ang mga tao. Yun bang kung kailan pa kumakanta na si Mark, saka nag-alisan ang karamihan sa mga tao. Ang ending, di pa tapos ang show halos wala ng tao sa venue. Tanging yung mga teen-ager na gustong magpa-pirma ng authograph ang mga naiwan upang hintaying matapos si Mark sa kanyang perfor- mance.
Awang-awa talaga kami kay Mark. That proves one thing, talagang passé na siya, laos na kumbaga. Kitang-kita yun sa pag-walk out ng audience habang kumakanta pa siya.
In contrast, noong kainitan niya, dinudumog si Mark Herras. Kaya nga very pathetic na makita na yung dating sikat na gaya niya, di na kinasasabikang makita nang personal.
Is that scenario an omen of things to come? Na itong time Of Your Life niya na isang danceserye ay magpa-flop lang.
Kahit sa mga publisidad, di naman si Mark ang ginagamit. Yung sampalan ek nina Cherie Gil at Jean Garcia ang binugbog sa publisidad ng parating niyang serye. Samahan ba naman ng dalawa pang laos na gaya ni LJ Reyes at sino na nga ba yung isa pa paano magkakaganang panoorin?
Anyway, sana naman, hindi magkatotoo ang analisis namin, we will be happier kung tataas ang rating ng Times Of Your Life at muling sumikat si Mark Herras.
Sana!
***
Lumantad na sa publiko..
John Prats at Bianca Manalo umamin na
Mag-on na pala sina John Prats at Bianca Manalo.
Pa-deny-deny pa sila pero sa totoo lang, matagal na pala silang nagtatago. Sana lang aminin na nila, hindi naman bobo ang mga fans nila.
At bakit nga di naman nila maamin-amin? Well, it’s too early kasi magmumukha nga namang mang-aagaw si Bianca kasi kabi-break pa lang nina John at Rachelle Ann Go.
But our informant told us na wala namang agawang nangyari. It was John who fell in love with the beauty queen kaya nakipaghiwalay siya kay Rachelle.
Meaning may naapi at ito nga si Rachelle. Kumbaga, iniwan siya sa gitna ng laban.
Actually, nahihiya raw na aminin ni John na dyowa na niya si Bianca dahil na rin sa kanyang ex-girlfriend. Wala kasi siyang maipipintas kay Rachelle at wala itong pagkukulang in the months that they were together. It was he who is at fault. Na-fall out of love siya and found love again kay Bianca.
Ganun?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply