Pinakamahal na uri ng bigas sa bansa napeste

NAPESTE ang pinakamahal na variety ng bigas sa bansa na ngayon ay malaking suliranin ng mga magasasaka sa mountain province

Dahil dito, personal nang magtutungo sa lugar si Department of Agriculture Secretary Proseso Alcala ngayong araw para sadyain ang rice terraces at alamin ang kinakaharap na problema ng mga magsasaka doon.

Ayon kay Alcala, may ulat na nakarating sa kanyang tanggapan na napeste na ang local variety na bigas ng mga katutubong magsasaka na unoy palay at  malaki na aniya ang nalulugi sa mga ito

Personal ding aalamin ng kalihim ang lawak at halaga ng pinsala at anong klaseng peste ang dumapo sa unoy palay.

Upang makabawi, pagkakalooban din ng binhing mula sa Kalinga Apayao ang mga magsasakang apektado ng peste.

Ang unoy palay ang isa sa pangunahing pinagkakakitaan ng mga katutubong igorot.

Kilala ang unoy palay  na pinakamahal na bigas sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply