Pinapaslang na bakla dumarami

IKINAAALARMA ng lady solons ang dumaraming bilang ng mga bakla na pinapaslang o kaya ay nasasangkot sa krimen o “hate crimes” laban  sa mga tomboy,  bisexuals at transgendered  (LGBTs).

Ayon kina Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi De Jesus, (Party-list, Gabriela), kanilang isinulong ang House Resolution 1460 upang hilingin sa House Committee on Justice sa pag- imbestiga  sa naturang pamamaslang at magkaroon ng batas na  magpaparusa sa mga krimen laban sa LGBTS.

Batay sa report ng LGBT Hate Crime Watch, ayon kay Ilagan, may average na limang kaso kada buwan ang nabibiktimang mga  bakla simula noong Enero.

Sinabi ni Ilagan na mula  sa  average  na  10 na kasong murder sa pagitan ng 1996 hanggang 2008 ay umangat pa sa 12 noong 2009, 26 noong 2010 at  27 sa unang anim na buwan ng  kasalukuyang  taon.

Mula sa LGBT Hate Crime Watch, ang 103 kaso mula 1996 na may 61 biktima ay mga bakla, 26 ang transgendered, 12 ang lesbians at apat dito ay bisexuals.

Sa mga naganap na krimen aniya ay may indikasyon na galit ang sanhi ng naturang pamamaslang dahil 38 sa mga biktima ay pinagsasaksak ng ilang beses, anim din ang tinorture bago pinaslang at ang iba pa ay ni-rape at sinusunog

Tinukoy ng mambabatas ang kaso ni Winton Lou Ynion na pinagsasaksak ng 40 na beses sa ulo, leeg at dibdib ng hindi pa nakilalang salarin noong August 16, 2009

Si Ynion ay first prize  Palanca  short  story awardee noong 2004  at  faculty member  University of the East at hayagan ang pagiging bakla nito.

Tinukoy din ni Ilagan ang pamamaslang kay Albert Clarence Bondoc, na pinagsasaksak  ng  13 ulit  at  ang kaso ng 51-year old Regional Trial Court (RTC) Judge sa Laoag City, na  natagpuang  naliligo na sa sariling  dito  at  halos maputol na ang ulo  at natagpuan ding may semilya sa kanyang anus.

Sinabi ni Ilagana na ang  hate crimes  ay maaari ring krimeng tulad ng  rape, damage to property, physical assault, threat of violence, harassment, at marami pang iba  na mayroong kaugnayan sa  race, color, religion, national
origin, gender, sexual orientation, gender identity, o kaya ay disability of the victim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply