Pinas aapela sa WTO

AAPELA ang Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) matapos ideklara ng huli na lumalabag ang pamahalaan sa pagpapataw ng mataas na buwis sa  mga alak na gawang Amerika at Europa.

Ayon kay Trade Secretary Gregory Domingo, mali ang paratang ng WTO na nagpapataw ang bansa ng mas matataas na buwis sa mga dayuhang alak kaysa sa mga lokal na inumin.

Parehas ang pagbubuwis sa mga lokal at dayuhan subalit mas mura umano ang retail prices ng mga lokal na produkto kumpara sa mga imported brands tulad ng Jim Beam at Jack Daniels.

Mas pinapaboran umano ng mamimili ang mga lokal na alak dahil napakalaki umano ng agwat sa presyo lalo na sa panahon na mataas ang inflation, mabagal na economic growth, mababang buying power ng piso at maliit na pasahod.

Ibibinibintang umano ng WTO ang pagbagsak sa mga exports ng alak mula Europa ng may 50% mula 2004 hanggang 2007 dahil sa excise tax. Bunsod nito’y nagpahayag ang US Trade Secretary na si Ron Kirk na agarang sumunod ang Pilipinas sa mga alituntunin ng WTO sa mga exports ng US at Europa.

Inakusahan din na nagpapataw ang bansa ng buwis sa mga imported na alak galing US at Europa ng 10 hanggang 40 beses ang taas kaysa mga lokal na produkto.

Ipinagbabawal ng WTO sa kanilang mga miyembrong bansa ang pagpabor sa mga lokal  kaysa mga imported na produkto sa usapin ng pagpapataw ng kaukulang buwis. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply