Pinas gagawing alternatibong manufacturing site ng Japan

IKINAKASA na ng mga kumpanya ng Japan ang Pilipinas bilang alternatibong manufacturing sites matapos ang mapaminsalang lindol at tsunami doon noong Marso.

Ayon kay Trade and Industry  Secretary Gregory Domingo, ang plano ng pamunuan ng bansang Hapon ay base sa inilabas na assesment ng US based financial service at 40% ng mga kumpanya sa Japan ay kinukunsidera ang Pilipinas bilang kanilang alternatibong manufacturing sites.

Binigyang diin ni Domingo na sa katunayan ang Toyota Motor Philippines Corp. ay nagpahayag na itataas nito sa 40 percent ang local content manufacturing mula sa dating 20 hanggang 25 percent para sa ilan nilang car models.

Samantala, ang planta ng Honda Philippine na nasa Katimuang bahagi ng Manila ay nagpo-produce ng 15,000 behiculo kada taon. Ito ay binuksan noong 1992 at nage-empleyo ng humigit kumulang sa 700 katao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply