Pinas kasama: 13 bansa sangkot vs global child porn ng US

KINASUHAN na ng Amerika ang 72 katao kaugnay sa malawakang kampanya kontra child pornography sa online network o internet.

Labing-tatlong bansa, kabilang ang Pilipinas, ang nakapaloob sa nasabing kampanya.

Inanunsyo ni U.S. Attorney General Eric Holder na nabuwag na ang pornography network na gumagamit ng mga litrato ng mga inaaabusong bata.

“The members of this criminal network shared a dream to create the pre-eminent online community for the promotion of child sexual exploitation. But for the children they victimized, this was nothing short of a nightmare,” ayon kay Holder.

Aniya, makikita sa imahe ng site na “Dreamboard ” ang mga inaabusong paslit at batang may edad na 12-anyos pababa.

Nabatid na 43 ang nakakulong na habang siyam na iba pa ang nasa ibang bansa at hawak na rin ng mga awtoridad.

Kabilang sa mga inaresto ay nasa 13 mga bansa kabilang ang Pilipinas, Canada, Denmark, Ecuador, France, Germany, Hungary, Kenya, Netherlands, Qatar, Serbia, Sweden at Switzerland.

Nakumpiska rin ang may 16,000 na mga pornographic DVDs.

Mahaharap ang mga miyembro ng Dreamboard website ng 20 taon o habambuhay na pagkakabilanggo kung mapapatunayang guilty.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply