Pinas mag-e-export ng 300,000 MT asukal

NAKAHANDA na ang Pilipinas na mag-export ng 300,000 metrikong tonelada (MT) ng raw at refined na asukal ngayong kasalukuyang crop year (CY).

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, bunsod ito ng magandang ani ng tubo na umabot ng 2.39 milyon MT para sa taong 2010-2011, higit ng 21.3% sa produksyon noong nakaraang CY, kaya naman naniniwala ang kalihim na nasa tamang daan ang Pilipinas upang muling makilala bilang pangunahing exporter ng asukal.

Aniya, sa patuloy at masikap na pagtutulungan ng mga magsasaka, stakeholders ng industriya ng asukal at ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agriculture-Sugar Regulatory Administration (DA-SRA), posibleng hindi na kakailanganin ng bansa na mag-angkat ng asukal bagkus ay magiging pangunahin pang supplier nito ang bansa sa Southeast Asia.

Sampung beses umanong mas mataas ang supply ng raw sugar ngayong taon na umabot ng higit sa 623,500 MT. bunga ng mas maliit na nakokonsumong asukal na bumagsak ng 1.5 milyong MT ngayong taon, mula sa 1.8 milyon MT noong CY 2009-2010.

Bilang resulta, bumaba ang presyo ng raw sugar mula sa P2,480 kada sako eh P1,300 na lamang.

Walang pinag-iba ang sitwasyon ng refined sugar na bumagsak din ang domestikong konsumo na nasa 655,840 MT na lamang o 31% mas maliit sa konsumo noong nakaraang taon kaya naman sobra ang ating magiging produksyon ng 300,000 MT.

Bumaba na rin ang presyo ng refined sugar dahil P1,950 na lamang ito kada sako na higit na mas mababa kaysa sa P2,600 bawat sako na dating pangkaraniwang presyo nito.

Kumpiyansa naman si Alcala na mapananatili ng bansa ang mataas na produksyon hanggang CY 2011-2012 kung saan target na hindi bumaba sa 2.4 milyon MT ang raw sugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply