Pinas nagpahayag ng suporta sa bagong pamunuan ng Libya

NAGPAHAYAG na ang Pilipinas ng suporta sa bagong pamunuan ng pamahalaan ng Libya matapos makubkob ng rebel forces ang compound ni Col. Moammar Ghadafi.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, suportado nila ang mapayapang transisyon ng kapangyarihan sa Libya at maibalik ang normalidad sa buhay ng mga mamamayan.

Inaasahan na rin ng gobyerno ng Pilipinas ang nalalapit na resolusyon ng kaguluhan sa Libya.

Handa umano ang Pilipinas na tumulong sa pagbangon ng Libya para manumbalik ang kapayapaan at katatagan sa nasabing bansa.

Nagpapasalamat din ang Pilipinas sa mga Libyan sa pangangalaga sa seguridad at kaligtasan ng mga OFWs sa gitna ng kaguluhan.

“The Philippines welcomes the imminent resolution of the conflict in Libya. The Philippines supports a peaceful transition in Libya in order for normalcy to return to this country, and looks forward to
working with the Libyan people in pursuing peace and stability. The Philippine government thanks the Libyan people for keeping Filipinos and their families in Libya safe and for the hospitality extended to
them throughout the conflict including the Filipino medical workers who chose to remain in order to continue providing emergency humanitarian assistance to all parties in the conflict,” ang buong statement ni Lacierda.

Samantala, matapos humupa ang  kaguluhan, walang balak ang ilang mga Pinoy sa Tripoli Libya na umuwi ng Pilipinas lalo na ang mga Pinoy nurses na nagta-trabaho sa mga ospital duon.

Katwiran ng mga Pinoy, humuhupa na ang sitwasyon matapos makuha ng mga rebelde ang kontrol sa Tripoli.

Maliban dito, binigyang diin ng mga Pinoy sa libya na wala silang planong lumikas dahil sa hindi naman sila pinababayaan ng embahada ng Pilipinas.

Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs, tinatayang nasa 1,600 ang mga Pilipinong nasa Tripoli ngunit 91 lamang dito ang nagpahayag ng kahandaang lumikas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply