Pinas posibleng hindi na umangkat ng gas

POSIBLENG hindi na umangkat ang Pilipinas ng gas at maaari pang mag-export sa hinaharap.

Ito ay matapos madiskubre na may mina ng gas at tuluyan nang maangkin ng Pilipinas ang spratly Islands ang continental shelf na bahagi ng Aurora Province na tinatawag na Benham Rise o BENHAM rise o BENHAM Plateau kung saan nadiskubre ang mina ng solidified methane.

Sa budget hearing ng Senado, binigyang diin ni Secretary Ramon Paje na kumpirmado na ito ng DENR at NAMRIA o National Mapping and Resource Information Authority.

Sa Assessment, ang BENHAM Plataeu na tinatawag ay may lawak na 13 milyong ektarya na kasing laki naman ng Luzon dagdag pa ang Samar at Leyte.

Binigyang diin ng Kalihim na ito ay lupa na nakalubog sa tubig at ang pinakamalalim na parte ay 40 metro mula sa ibabaw ng tubig.

Dagdag pa ni Paje, pasok na pasok ito sa 200 miles exclusive economic zone ng Pilipinas nasa Eastern Seabord sa harap ng Aurora at Isabela province.

Ipinangalan ang BENHAM Rise kay Navy Admiral Andrew Benham na opisyal ng US Navy noong American Civil WAr.

Binigyang-diin ni Paje, hindi tulad ng Spratlys, Pilipinas lamang ang nag-aangkin sa Benham rise subalit kinailangan pa rin ng bansa na maghain ng claims sa United Nations Convention of the law of the Seas o UNCLOS noong huling bahagi ng 2008.

Nilinaw pa ni Paje na sa Hunyo 2012 inaasahan ang paborableng resolusyon ng United Nations kung saa siya tutungo para linawin ang ilan pang usapin.

Ayon pa sa kalihim, sakaling ideklara ng UN na sa Pilipinas ang Benham plateau na bahagi ng Pilippine continental shelf, ito ang posibleng magpalaki sa land territory ng Pilipinas na lalaki sa 43 milyon ektarya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply