Pinas tutulong sa pagbangon ng Libya

NAKAHANDA ang Pilipinas na tumulong sa muling pagbangon ng Libya matapos maagaw ng mga rebelde ang pamumuno sa nabanggit na bansa.

Ayon sa report, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na sakaling hingin ng transition Committee ang tulong ng Pilipinas ay handa itong magpadala ng tulong sa paraang makakaya, katulad  ng pagpapadala ng contingent.

Nakahanda rin aniya ang Pilipinas na makipagtulungan sa international community para sa muling pagbangon ng Libya.

Nananatili pa rin prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga Pilipino sa naturang bansa.

“Sa ngayon, binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Libya. Ang pangunahin nating tinitingnan ay ang proteksiyon ng ating sariling mga maggagawang Pilipino at nasyonal doon,” ani Lacierda.

Sinabi niya na tinatanggap ng administrasyong Aquino ang nalalapit na resolusyon ng gulo sa Libya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply