Pinay, Lebanese nag-sex sa beach, ikinulong

IPINATATAPON ng hukuman ng United Arab Emirates (UAE) pabalik sa sari-sariling bansa ang isang Pinay at kanyang nobyong Lebanese makaraang magtalik sa pampublikong lugar sa nasabing bansa.

Makauuwi lamang sa sariling bansa ang dalawa kung matatapos nila ang isang buwang pagkakabilanggo sa kulungan ayon sa kautusan ng Dubai Misdemeanor Court.

Sa pahayag ni Presiding Judge Abdul Majid Al Nezamy, kapwa umamin ang dalawa na nagtalik sila sa isang bahagi ng  beach na nasa Umm Sugeim matapos  mahuli sa akto ng awtoridad sa Dubai.

Ibinasura rin ng hukuman ang tangkang pagpipiyansa ng mga akusado subalit maaari pa rin silang umapela sa naging hatol ng korte sa loob ng 15 araw.

Ayon sa naging desisyon ng korte, hindi iginalang ng mga akusado ang code of Decency ng Dubai sa ginawang pakikipagtalik sa pampublikong lugar lalo pa’t hindi sila kasal o mag-asawa.

Sinabi ni Lebanese na isang waiter na naglalakad sila sa baybaying dagat kasama ang dalawa pang kaibigan nang dalhin ang nobya sa gilid ng malaking bato na nasa tagong lugar bago isinagawa ang pagtatalik.

Nang makaraos at habang isinusuot ang kanilang mga saplot ay saka dumating ang mga pulis.

Nagsumite naman ng ‘guilty’ ang Pinay na akusado at kinumpirma ang naging pahayag ng nobyong Lebanese na naging basehan upang sila ay kapwa hatulan ng pagkabilanggo at pagpapauwi sa kani-kanilang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply