Pinay, Lebanese nahuling nagtatalik sa UAE

ISANG Filipina na saleswoman at isang Lebanese na waiter ang kinasuhan ng public scandal sa United Arab Emirates matapos mahuling nagtatalik sa isang pampublikong beach.

Iniulat ng Gulf News na dinakip ng mga awtoridad ang 30-anyos na Filipina at 21-anyos na Lebanese dahil sa pagtatalik sa Umm Suqiem’s beach.

Ayon sa mga prosekyutor, kinasuhan ang dalawa dahil sa pagbabale-wala ng mga ito sa code of decency ng nasabing bansa.

Inamin ng lalaki na nakilala niya ang Pinay sa Mall of the Emirates isa’t kalahating buwan na ang nakalilipas.

“We (eventually) became friends and lovers,” anito. “The first time we slept together was at my house in Al Barsha. Then we had two intercourses at the beachside.”

“We didn’t use any protection,” dagdag pa ng Lebanese.

Idinagdag pa nito: “We were at the beachside having a walk along with my two friends. I took her to a poorly lit spot near the rocks… When we finished and were getting dressed, police arrived.”

Hindi dumalo ang dalawang nasasakdal sa kanilang hearing kahapon, Agosto 1, sa Dubai Misdemeanors Court kung kaya itinakda muli ang pagdinig sa Agosto 18.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply