Pinay naputulan ng binti sa Cambodia

NAWALAN ng kanang binti ang isang Pinay na nagtapos sa University of the Philippines  matapos maaksidente ang sinasakyan niyang bus sa Cambodia dakong 4:10 ng madaling araw ng Lunes, Agosto 1, sa Cambodia.

Sa pahayag ni Benjamin delos Santos, kaibigan ng biktimang si Nina Kristine Abad, malubha ang naging pinsala ng aksidente sa dalaga kaya’t kinailangan ang agarang pagputol sa kanyang kanang binti sa Calmette Hospital sa Phnom Penh.

Napag-alaman na nagbabakasyon si Abad sa Cambodia nang sumalpok sa trak ang sinasakyang bus na Kampuchea Angkor Express habang binabaybay nila ang Peambro, Phnom Penh, lalawigan ng Prey Veng.

Kabilang si Abad sa limang pasahero na malubhang nasugatan habang 27 naman ang bahagyang nasugatan dahil sa umano’y aantok-antok na tsuper ng bus.

Matapos ang imbestigasyon, parehong dinala ng pulisya ang dalawang sasakyan sa istasyon ng pulis para sa mas masusing pagsisiyasat.

Kaagad namang nakipag-ugnayan ang kinatawan ng embahada ng Pilipinas sa biktima upang maibigay ang mga kinakailangang tulong nito.

Nagtungo sa Vietnam si Abad upang dalawin ang mga kaibigan doon.  Naganap ang insidente sa kanyang pagbyahe pabalik sa

Vietnam.

Si Abad ay nagtatrabaho sa isang call center sa Maynila at miyembro ng UPLB Development Communicators’ Society.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatakda nang magtungo ang pamilya ng biktima sa Cambodia upang maiuwi na si Abad. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply