Ping sa magiging BoC chief: Mag-ala-Alvarez

NANAWAGAN si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa uupong hepe ng Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy ang paglaban sa korapsyon na sinimulan ni Customs Commissioner Angelito Alvarez.

Naniniwala si Lacson na tama ang ginawa ni Alvarez na labanan ang kurapsyon sa BoC, sa kabila ng pagsibak sa kanya ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

“It is unfortunate that Commissioner Angelito Alvarez is being given the boot at this time. He has barely started the reforms that the BoC badly needs,” ayon sa senador.

Aniya pa, ginawa ni Alvarez ang lahat ng makakaya upang burahin ang tinukoy niyang “institutionalized corruption in the bureau.”

Si Alvarez ang nagbulgar ng mga nawawalang 2,000 container van at ang sindikato ng transhipment na na nagsagawa nito upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

Gayunpaman, boto si Lacson kay dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon bilang kapalit ni Alvares.

“If I know him right, he is one straight and heads-up government official. He should be a good addition to PNoy’s administration,” wika ni Lacson.

Subali’t, pinayuhan ni Lacson si Biazon na dapat ay sawatahin din nito ang tinatawag na ”Friday Habit” sa mga sangkot sa smuggling at korapsyon sa BOC.

Napag-alaman ni Lacson na tuwing Biyernes ay nagkakaroon ng partihan at pagtanggap ng mga payola sa mga taong sangkot sa katiwalian sa naturang ahensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply