Piniratang gamit nasabat ng BoC

TINATAYANG aabot sa P300 milyong halaga ng mga pekeng bag at RTWs ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid sa isang bodega sa Juan Luna, Binondo, Maynila.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon si Customs Commissioner Angelito Alvarez kaugnay sa umano’y mga pekeng kagamitan na nakaimbak sa isang warehouse sa Manila.

Nakumpiska sa isinagawang pagsalakay ng awtoridad ang mga pekeng bag at damit.

Ayon kay Alvarez, malaking dagok sa mga importer ang naturang pagkakatuklas sa mga piniratang gamit bagama’t malaking tulong na rin ito sa mga nagnenegosyo ng marangal.

Nabatid na ang kikitain sa mga narekober na pekeng kagamitan ay mapupunta sa pagsuporta sa mga gawaing terorismo sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply