2 Pinoy engineer dinukot sa Libya

SA HARAP ng patuloy na tumitinding kaguluhan sa Libya ay dalawang Filipino engineer dinukot sa Libya, ito ang kinumprima ni Foreing Affairs Spokesperson Raul Hernandez.

Batay sa ulat, pinasok ng mga rebelde ang housing unit ng mga overseas Filipino worker (OFW) dakong 2:00 Lunes ng  madaling araw at sapilitang kinuha ang mga cell-phone, laptop at mahahalagang kagamitan ng mga ito.

Makaraang makuha ang mga mahahalagang kagamitan ay agad na tumakas ang mga rebelde.

Ngunit muling bumalik dakong 4:15 ng madaling araw at tinagay ang tatlong sasakyan na Hundai, at dalawang Mercedez Benz na pag-aari ng 1st Engineering Company.

Bukod sa saksakyang ninakaw ay tinagay din ang dalawang Pinoy na nananatiling bihag ng mga rebelde.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Libya upang mabatid ang kalagayan ng dalawang Pinoy na dinukot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply