Pinoy engineer na dinukot sa Libya nakatakas sa mga abductors

IBINALITA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatakas sa kamay ng mga rebelde ang dinukot na Filipino engineer sa Tripoli, Libya.

Ayon sa panayam sa radyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez kaninang umaga, Agosto 24, nakatanggap siya kagabi ng report na nagkaroon na ng contact ang nasabing Pinoy worker sa kaniyang pamilya sa Pilipinas.

Ayon umano sa misis nito, nakatakas sa kaniyang mga abductors ang kaniyang mister at sa ngayon ay “safe and sound” umano sa bahay ng isang kaibigan.

“Nakausap po natin kagabi ang misis mismo at sinabi sa atin na safe and sound naman ang kaniyang mister at kasalukuyang nakatira sa isang kaibigan sa Tripoli,” dagdag pa ni Hernandez.

Naiulat ang pagkawala ng Pinoy engineer matapos atakihin ng mga Libyan rebels ang housing unit ng kompaniyang pinagtatrabahuan nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply