Pinoy mas tatamarin sa CCT program — Enrile

DISMAYADO Si Senate president Juan Ponce Enrile sa pagtuturo ng DSWD ng katamaran at pamamalimos ng mga mahihirap sa gobyerno sa ilalim ng conditional cash transfer program.

sa ginawang budget briefing sa Senado ng economoc managers ng palasyo, inirekomenda ni Enrile na dapat baguhin ang sistema ng DSWD sa pamumudmod ng P1,400 sa bawat pinakamahihirap na pamilyang Pinoy.

Ayon kay Enrile, dapat magtrabaho ang mga benepisyaryo ng cash doleouts ng gobyerno upang matuto silang mangisda at hindi susubuan na lang ng isda.

ginawa ni Enrile ang pahayag matapos humirit ang DSWD ng karagdagang P39 bilyon para itustos sa tatlong milyong Pinoy para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Sinabi ni Enrile na dapat ibalik ng gobyerno ang dignidad at respeto sa sarili ng mga mahihirap na pinaasa lang sa tulong pinansyal gayung pwede naman silang mag-trabaho para sa pamilya.

Sa halip na pera, iginiit ni Enrile na dapat ipagkaloob ng gobyerno ay trabaho, tulad ng pagiging kaminero, mason, tagapaglinis ng estero at construction workers.

Tiniyak naman ni Budget secretary Butch Abad na pag-uusapan nila ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman ang panukala ni Enrile.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply