Pinoy nagtapos na summa cum laude sa Madrid

PANIBAGONG karangalan na naman ang dinala sa bansa ng isang Filipinong iskolar nang magtapos itong summa cum laude sa isang unibersidad sa Madrid, Spain, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Linggo.

Sa ulat ng DFA si Dr. Teodoro Fajardo Jr., taga–Cabiao, Nueva Ecija, ay matagumpay na na nadepensahan ang kanyang doctoral thesis na pinamagatang “Picornavirus Ires: Accesibility and Inhibition of Viral Gene Expression” noong ika-20 ng Hulyo.

Ayon din sa DFA, si Fajardo ay food and drugs relations officer ng Food and Drugs Agency at isang medical technologist sa Department of Health. Nakuha niya ang kanyang doctorate degree sa Molecular Biology sa Universidad Autonoma de Madrid.

Nakasentro ang doctoral thesis ni Fajardo sa structural at functional investigation ng Ires element sa Foot and Mouth Disease virus, base sa DFA.  Nakasaad din sa thesis ni Fajardo ang posed potential applications upang makontrol ang pagkalat ng naturang disease.

“The research can be used as reference in other scientific researches and in the development of antiviral therapies,” ayon sa DFA.

Noong 2007, ginawaran ng scholarship si Fajardo ng Agencia Española de Cooperación Internacional para el Desarrollo (AECID) para sa isang apat-na-taong doctorate course sa Spain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply