Pinoy pilgrims emosyonal sa pagtatapos ng World Youth Day

NAGING emosyonal ang mga Filipino pilgrims sa pagtatapos ng World Youth Day sa Madrid, Spain dala ng sobrang kaligayahan.

Ito ang paglalarawan ng isang Pinoy na nakabase ngayon sa Madrid.

Simula pa lang aniya ng World Youth Day hanggang magtatapos na ay nagampanan ng awtoridad ang sitwasyon sa kabila ng panggugulo ng ilang mga demonstrador dahil sa magarbong selebrasyon sa kabila ng kinakaharap na economic crisis ng kanilang bansa.

Patuloy din umano ang pagbuhos ng mga tao sa naturang okasyon na nagmula sa iba’t-ibang bansa kung saan hindi rin nagpahuli ang mga Pinoy sa isa sa itinuturing na pinakamalaking event sa kasaysayan.

Ngayong araw ay nagsagawa ang Santo Papa ng kanyang huling misa bilang pagtatapos ng World Youth Day.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply