Mga Pinoy sa London pinapalikas dahil sa riot

PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na nakatira sa bisinidad ng nagaganap na riot sa London na lumikas na muna sa ligtas na lugar.

Ayon  kay DFA spokesman Raul Hernandez, pinapayuhan ang mga kababayan sa London na tiyakin ang kanilang kaligtasan at iwasan ang mga lugar na may kaguluhan.

Batay sa pinakahuling ulat, kumalat na sa ilang pangunahing lungsod na karatig ng London ang kaguluhan at girian ng pulisya at mga nanggugulo.

Maging ang Birmingham, Bristol at Liverpool ay sinalakay na rin ng mga nagwawalang kabataan ang  ilang tindahan kanilang nilooban at sinunog. Ilang sasakyan din ang sinilaban ng mga nagra-riot.

Batay sa impormasyon mula sa Philippine Embassy sa London, wala pa namang Filipinong nadamay sa kaguluhan.

Tinatayang nasa 250,000 ang bilang ng mga Filipino ang nakabase sa buong United Kingdom at karamihan sa mga ito ay nasa London.

“Ang ginagawa ng ating mga embassy official ngayon, nakikipag-ugnayan sila sa mga Filipino communities sa London para paalalahanan ang ating mga kababayan tungkol sa kanilang kaligtasan; na iwasan nila ang mga lugar kung saan may riots,” paliwanag ni Hernandez.

Ayon sa mga ulat, lumawak pa ang kaguluhan sa London, kung saan ilang mga sasakyan at gusali na ang sinunog ng mga nagpoprotesta. Sinasamantala naman ng iba ang pagkakataon para magnakaw. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply