Pinoy sa Libya puwersahan nang ililikas

PUWERSAHAN nang ililikas ng pamahalaan Pilipinas ang mga Filipino makaraang itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 4 ang sitwasyon sa Libya.

SAkasalukuyan, pwersahan nang ililikas ng pamahalaang Pilipinas ang mga natitirang Filipino sa nasabing bansa.

Sinabi ni  DFA, Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na nitong nakaraang linggo pa pumunta sa Tripoli, Libya si DFA Undersercretary Rafael Seguis para kumbinsihin ang mga natitirang Pinoy na lumikas sa harap ng paglala ng sitwasyon doon.

Nasa Gerba na rin ang rapid response team ng Pilipinas para umasiste sa embahada roon kung saan 1,600 pang Filipino ang nananatili sa Tripoli at mga karatig lugar.

Sa pinakahuling report, napasok na ng Libyan rebels ang malaking bahagi ng Tripoli kabilang ang Green Square na dating pinagdarausan ng political rallies ni Libyan Leader Moamar Gadhafi.

Una na ring inanunsyo ng Libyan rebel spokesman na naaresto na umano ng opposition forces ang dalawang anak ni Gadhafi na sina Saif Al-Islam at Saadi.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez na sa kasalukuyan ay hindi na makalabas ng embahada ang mga Filipino officials, dahil na rin sa mataas na tensyon sa mga lansangan.

Nakulong na umano ngayon sa loob ng Philippine embassy sa Libya ang ilang mga Filipino officials kabilang sina Foreign Affairs Usec. Rafael Seguis at Ambassador Alejandrino Vicente, dahil sa nagaganap na karahasan sa Libyan capital city na Tripoli.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply