Pirates reresbak sa Heavy Bombers

PIPILITING mamirata ng panalo ang guest team Lyceum of the Philippines University Pirates upang mapanatili ang pagkapit sa pang-apat na puwesto sa nagaganap na second round eliminations ng 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan.

Hawak ng Pirates ang 4-5 win-loss record kung saan ay makakalaban nila ang tumalo sa kanila sa first round – Ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa 4 ng hapon bukas.

Tinalo ng JRU ang LPU, 74-68 noong Agosto 15 kaya naman bukod sa top 4 ay paghihiganti rin ang nasa isip ng Pirates.

Sa unang sultada ng seniors division, (2 p.m.) ay maglalaban ang host school Perpetual Help Altas at College of Saint Benilde Blazers.

Nalaglag sa fourth spot ang Blazers matapos silang talunin ng Mapua Cardinals, 90-94 sa isang overtime game, Miyerkules ng hapon.

Tangan ng CSB at MIT ang parehong 4-6 panalo-talo karta kaya nagsalo sila sa 5 at 6 posisyon, pang-pito naman sa team standings ang JRU na may 3-6 record habang kulelat ang Altas na may 1-9 karta.

Napatigas naman ng Letran Knights ang pagkakakapit sa pangatlong puwesto matapos payukuin ang Arellano University Chiefs, 73-59 kahapon.

Kahit may lagnat, umiskor pa rin si Knights guard Kevin Louie Alas ng 17 puntos, pitong rebounds at apat na assists upang ilista ang 8-2 baraha ng Letran.

Sa juniors, may 8-2 baraha na rin ang Letran Squires nang gapiin ang Baby Chiefs, 66-50.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply