Piso matatag sa pagbaba ng US credit rating

TIWALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatiling matatag ang pananalapi ng bansa, sa harap ng pagbaba ng credit rating ng Amerika.

Ayon kay BSP Gov. Amando Tetangco Jr., inaasahang na maglalaro pa rin sa P42 hanggang P45 ang halaga ng local currency kontra sa dolyar hanggang sa susunod na taon.

Paliwanag ng opisyal, mayroon umanong sapat na dollar reserves ang bansa dahil na rin sa tuloy-tuloy na pagpasok ng remittances ng overseas Filipino workers.

Aminado naman si Tetangco na may epekto ang pag-downgrade ng U.S. credit rating pero kumpiyansa ang opisyal na makakabawi din ang pananalapi ng bansa.

Samantala, bumagsak ng 2.4 percent ang kalakaran ng Philippine local shares ngayong araw, epekto pa rin ng pangamba ng mga investors dulot ng pagbaba ng credit rating ng Amerika.

Ang benchmark ng Philippine Stock Exchange index ay bumaba ng 106.31 points matapos magsara sa 4,331.24 level.

Kagaya ng inaasahan, mas maraming mga stocks ang nagkamit ng pagkalugi kung ikumpara sa mga kumita ngayong araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply