Pista ng ‘Buwan ng Wikang Pambansa’ pinasimulan na

NAGPUGAY ang Pangulong Benigno Aquino III sa mga Filipinong gumagamit ng wikang Pilipino at sa kanilang mga ninunong nanguna sa pagbuo ng isang wikang pambansa mula sa iba’t ibang diyalekto sa kapuluan.

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang sa Buwan ng Wika, sinabi ni Aquino na, “May mga dagat mang naka-pagitan sa mga isla ng ating kapuluan, nakatatawid ang ating puso’t kaisipan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng wikang nagbubuklod sa atin. Ma-ging ang mga kababayan natin sa ibang bansa ay na paaalalahanan ng pinag-ugatan nilang bansa, at sa iisang kinabukasan natin bilang lahi.

Magugunitang umani ng papuri maging mula sa kanyang mga kritiko ang paggamit ng Pilipino ng Pangulo sa kanyang pangalawang State of the Nation Address sa harap ng magkasanib na sesyon ng dalawang kapulungan ng Batasang Pambansa kamakailan.

Bagama’t iba’t iba ang reaksiyon sa sustansiya ng kanyang mensahe, nagkakaisa naman ang nakararami sa perfect delivery ng kanyang talumpati sa Pilipino sa estilong simple, maiksi o binuod, malinaw, walang paligoy-ligoy at mapagpatawa.

Samantala, naging panauhing pandangal ang Kalihim Tagapagpaganap Paquito “Jojo” N. Ochoa, Jr. sa nakaugaliang seremonya sa paghilang pataas ng pambansang watawat sa bakuran ng Palasyo ng Malacañang noong Lunes, Agosto 1, 2011, alas 7:45 ng umaga, sa pangangasiwa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na pinamumunuan ni Punong Komisyoner Jose Laderas Santos.

Ang paghila ng pataas sa Watawat ng Pilipinas at ang talumpati ni  Exec. Sec. Ochoa ang nagsilbing hudyat sa pagsisimula ng pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa 2011 noong Lunes.

Ang diwa ng pagdiriwang sa taong ito ay, “ANG FILIPINO AY WIKANG PANLAHAT, ILAW AT LAKAS SA TUWID NA LANDAS.”

Bilang pagbabalik-tanaw, itinakda ng Presidential Proclamation No. 1041, se-ries of 1997, ang isang buwang singkad na selebrasyon ng pambansang wika at iba pang diyalekto sa Pilipinas mula  Agosto 1 to 31 ng bawat taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply