Paglilikas sa OFWs sa UK nakahanda na

NAKAHANDA na ang Philippine Embassy sa London sakaling gustuhin nang lumikas ng mga overseas Filipino worker (OFW)  sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa United Kingdom.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, nakaalerto na ang buong staff at opisyal ng embahada para tugunan ang pangangailangan ng mga Filipinong maiipit sa kaguluhan sa nasabing bansa.

Una nang itinaas ng DFA sa Level 1 ang alerto kasunod ng ulat na isang Pinoy na ang nadamay sa nangyayaring kaguluhan doon.

Nilinaw naman ni Hernandez na sa kasalukuyan ay kontrolado ng mga awtoridad sa UK ang sitwasyon at nananatili pa rin umanong “isolated” ang mga riot ng mga kabataan sa lansangan.

Una nang pinayuhan ng embahada ang mga Filipino na naka-base roon na kaagad tumawag sa mga awtoridad o kaya ay makipag-ugnayan sa embahada sakaling may nagaganap na kaguluhan sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Charge d’Affaires Reynaldo Catapang, mahalaga umano ang dobleng pag-iingat ng mga kababayan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply