PLDT-Digitel deal tablado kay Joker

HINDI pumayag si Sen. Joker Arroyo na aprubahan ng Senado ang share-swap deal ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) at Digitel Telecommunications Inc., (Digitel) dahil pag-aari ng dayuhan ang malaking bahagi ng sapi ng PLDT.

Sa kanyang dissenting opinion sa ipinalabas na 12 pahinang committee report ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., hindi maaaring aprubahan ang PLDT-Digitel deal dahil lalabagin ng Senado ang Saligang Batas.

Tinukoy ni Arroyo ang desisyon ng Supreme Court noong Hunyo 28 na nagsasabing pag-aari ng dayuhan ang 62% ng common shares na siyang kumokontrol sa PLDT habang umaabot lamang sa 35.73% ang pag-aari ng Pilipino kaya maituturing silang minorya at walang kontrol sa higanteng kumpanya.

“This kind of ownership and control of a public utility is a mockery of the Constitution,” ayon kay Arroyo.

Ipinaliwanag pa ni Arroyo na umaabot sa 88.22% ang preferred shares ng PLDT na pag-aari ng Pinoy na walang karapatang bomoto at kumikita lamang ng 1/70 sa dibedendo na siyang kinikita ng common shares kahit madoble ang par value nito.

Idinagdag pa niya na kumakatawan sa 77.85% ang preferred shares ng PLDT ng awtorisadong stock at umaabot lamang sa 22.15% ang common shares.

“Indisputably, construing the term capital to include both voting and non-voting shares will result in the abject surrender of our telecommunications industry to foreigners, amounting to a clear abdication of the state’s constitutional duty to limit control of public utilities to Filipino citizens,” ayon kay Arroyo.

Sa ulat ni Revilla, kinatigan nito ang kasunduan ng PLDT at Digitel, may-ari ng Sun Cellular, dahil alinsunod, at hindi lumalabag ang share-swap deal sa prangkisang ibinigay ng Kongreso.

Inirekomenda ng Revilla report na above board dahil walang komprehensibong anti-trust law ang Pilipinas. Ipinagbabawal lamang sa ating batas ang kumbinasyon, kasunduan o pagkilos na makasasama o makakasagabal sa kalakalan.

Ngunit, ayon kay Arroyo, binalewala ng Revilla Report ang desisyon ng Supreme Court na bomoto ng 10-3 laban sa PLDT at hindi man lamang binanggit ng committee report ang desisyon ng Mataas na Hukuman.

“As to whether the foregoing share-swap deal constitutes a monopoly, unfair competition or combination in restraint of trade, this cannot be determined absent any specific punishable act, the elements of which must be clearly established as being present, ” ayon sa committee report.

Sinabi pa ni Arroyo na “until PLDT restructures its ownership to conform to the decision of the Supreme Court, the Senate committee should hold in abeyance any actions in the proceedings.”

“The committee (on public services) can discuss anew the issue before it if and when PLDT complioes with the Supreme Court. PLDT in the meantime, is stopped from consummating the share-swap with Digitel,” ayon kay Arroyo.

Lumagda sa Revilla report sina Senador Edgardo Angara, Miguel Zubiri at si Vicente Sotto III bilang ex-officio. Nakatakdadng lumagda pa sina Senador Ralph Recto, Gregorio Honasan II, Loren Legarda, Pia Cayetano, Panfilo Lacson, Lito Lapid, Sergio Osmena III, at Teofisto Guingona. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply