‘Please lang ‘wag n’yo na kaming pagsabungin ni Nora’ — Vilma Santos

KAHIT aligaga ang Star for All Seasons and Batangas Gov. Vilma Santos sa rami ng kanyang inaasikaso sa munisipyo sa Batangas City ay nag-time out siya para harapin at makipagtsikahan sa surprise visit na ginawa ng ilang mga press people.

Halata ang kasabikan sa aura ni Gov. Vi nang makita ang ilang showbiz reporters. Matagal-tagal na rin kasing hindi siya nabibisita ng mga entertainment writer at siyempre, isa sa dahilan sa biglaang pagsugod ng mga reporter kay Ate Vi ay ang mainit na pag-uwi ng nag-iisang Superstar ng bansa na si Nora Aunor, na knows naman natin na silang dalawa ni Gov. Vi ang nagbibigay sigla noon sa showbiz world. Silang dalawa ang pilit na pinagsasabong at ginagawan ng mga isyu. Sa pagkakataong ito, buong pagmamahal na sinabi ni Ate Vi na masaya siya sa pagbabalik-bansa ni Ate Guy at maligaya rin ang gobernadora kung ito ang magiging dahilan sa muling pagsigla ng showbiz industry.

Pero pakiusap lang ni Ate Vi na wag na silang pagsabungin pa ni Ate Guy at lagyan naman ng maturity ang pag-uugnay sa kanilang dalawa ng kanyang kumare. Ayon pa rin sa butihing gobernadora, imbes daw mga intrigang pag-sasabungin sila ni Ate Guy ang kanyang pag-aksyahan ng panahon, mas uunahin na lang niya ang mga problemang kinahaharap niya ngayon bilang gobernadora ng Batangas. At kung sakali man daw sanang ibalik ang walang kamatayang rivalry nilang magkumare, pakiusap lang ni Ate Vi, sana yung mga isyung makatutulong sa pag-unlad muli ng industriya ng showbiz at hindi isyung pag-aawayin lang daw naman sila.

Magkagayunpaman, sa kabila ng mga intrigang muling binabato sa dalawang magkumare, masaya na rin si Ate Vi, kahit paano raw ay hindi pa rin sila nakalilimutan ng mundo ng showbiz, andun pa rin ang mga taong nagmamahal sa kanilang dalawa ni Ate Guy.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply