PNoy bilang disaster czar isinulong ni Castelo

UPANG matiyak na may malinaw na mangunguna sa magaganap na kalamidad, hinimok ni Quezon City Rep. Winnie Castelo si Pangulong Aquino na akuin ang pagiging “disaster czar.”

Ngunit nakasaad sa Republic Act 10121 o mas kilala bilang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 na ang kalihim ng Defense Department ang magiging chairman ng National Disk Reduction and Management Council.

Giit ni Castelo na mas makabubuting si PNoy ang humawak sa posisyon upang matiyak na mapangungunahan ang alinmang sitwasyong pangkalamidad gaya ng “disaster preparedness, disaster mitigation, emergency response, and post-disaster rehabilitation of victims.”

Giit pa ni Castelo na maaaring humanap ng paraan ang Kongreso upang mabigyan si Pangulong Aquino ng sapat na kapangyarihan upang maging disaster management czar particular sa rehabilitasyon ng mga sinalantang lugar.

Ang kailangan lamang sa isang disaster management czar ay mapangunahan ang “disaster risk reduction and operations” sa panahon ng krisis, magsagawa ng disaster mapping sa buong bansa at matukoy kung aling lugar ang bagyuhin at karaniwang dinadaanan ng bagyo.

Kasabay nito ay hinimok din ni Castelo ang gobyerno na isama sa kurikulum ng mga nasa elementary ang isyu ukol sa kalamidad at kung paano ito maliligtasan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply