PNoy binatikos sa ‘di pag-sorry sa hostage victims

BINATIKOS ng mga kongresista si Pangulong Aquino sa pagkakaroon ng “pusong bato” matapos tumangging humingi ng paumanhin sa mga kaanak ng mga biktima ng hostage sa Luneta noong nakaraang taon.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na walang masama kung si Pangulong Aquino ay magpapakita ng kababaang loob at pagsimpatiya sa pamilya ng mga biktima.

Si Casiño ay sumalubong sa mga kaanak ng biktima ng Luneta hostage fiasco kasama si legislative councilor James To Kun-Sun ng Hong Kong Legislative Council.

Ka-arogantehan at kawalan ng pakiramdam ni Pangulong Aquino ang naging puna ng minorya sa Kamara matapos tumanggi ang Palasyo na magpaumanhin si PNoy batay na rin sa ipinahayag ni Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda.

Sinabi ni House Asst. Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay na “that statement was uncalled for.  Konting humility naman.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply