PNoy binira sa miting sa MILD lider sa Japan

ILANG ARAW matapos mabunyag ang palihim na pakikipagpulong ni Pangulong Aquino kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Murad Ebrahim sa Japan ay nabigyan ng alokasyon na P2 bilyon mula sa 2012 national budget ang programang pang-kapayapaan ng pamahalaan.

Inihayag ni LPG/MA Rep. Arnel Ty, miyembro ng House committee on public order and safety, na may P1.9 bilyon ang inilaan ng gobyerno para sa Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Program.

Ani Ty, bukod pa sa P2 bilyon ang panibagong P100 milyon na alokasyon para naman sa Government Peace Negotiating Panel upang maisulong diumano ang usapang pangkapayapaan sa MILF at National Democratic Front (NDF).

Bagama’t tinuligsa ng mga kritiko ang lihim na pagtungo sa Japan ni PNoy ay positibo naman ang basa rito ni Ty.

“The President’s gesture clearly demonstrates that he is prepared to go out of his way to build peace – that government is willing to walk the extra mile to engage in substantial talks and hopefully settle the dispute with the MILF,” ayon kay Ty.

Dagdag pa ni Ty na marami ng buhay at marami na ang nagdusa dahil sa kaguluhan sa Mindanao kung kaya panahon na para matigil ang labanan doon.

Ang PAMANA ay inter-agency peace-building program na nangangalaga sa mga komunidad na may labanan sa pagitan ng gobyerno at rebelde at hatiran ang mga ito ng kailangang serbisyo.

Ang PAMANA ay pinangungunahan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply