PNoy: Huwag pulitikahin ang Dragon Boat Team

UMAASA ang Malakanyang na hindi makikisawsaw at madadamay sa pulitika ang Dragon Boat Team.

Matapos ang courtesy call ng Dragon Boat Team kay Pangulong Benigno Aquino III kanina (Biyernes) ay sinabi ng huli na masusing pinag-aaralan ng Presidential Management Staff (PMS) ang sitwasyon ng koponan.

Ang Dragon Boat Team ay tumanggap ng Presidential Citation.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Maj. Harold Cabunoc, miyembro ng Dragon Boat Team na masaya sila sa mainit na pagtanggap sa kanila ni  Pangulong Aquino.

Sinabi rin nito na pinupulitika sila ng Philippine Olympic Committee (POC) na pilit na iginigiit na kaya hindi sila kinikilala bilang Philippine team ay dahil sa hindi sila sumusunod sa polisiya ng Canoe-Kayak policy.

Ang katuwiran ni Cabunoc, ang dumadaan sa Canoe-Kayak ay nasa rowing at hindi sa katulad nila.

Kung dadaan anila sila sa Canoe-Kayak ay taliwas na aniya sa pagiging miyembro nila ng International Dragon Boat Federation (IDBF).

At sa oras na pumasok sila sa Canoe-Kayak ay malabo na silang makalaro sa international competition gaya ng nasalihan nila sa Florida kung saan nakapag-uwi sila ng limang ginto at dalawang pilak na medalya.

Pinipirata rin umano ng POC ang ilan sa mga miyembro ng Dragon Boat Team na tinaggihan naman ng mga ito sa katuwirang ayaw nila sa rowing ng POC dahil mas nais nilang manatiling miyembro ng IDBF.

Iyon ang nakikitang dahilan kung bakit pinupulitika sila at ang kanilang pagsali sa international competition.

Samantala, may ibibigay na reward ang Malakanyang sa Dragon Boat Team subalit pinag-aaralan pa nila kung ano ang ibibigay nila sa kampyonatong team dahil na rin sa may ibibigay na ang mga mambabatas sa mga ito.

Pinasalamatan naman ng Pangulong Aquino ang team dahil sa karangalang ibinigay sa bansa at nagsilbing role model sa lahat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply