PNoy kailangan ng road map — Cayetano

“WHERE ARE WE GOING TO?”

Ito ang binigyang diin ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano sa kanyang kontra-SONA.

Ani Cayetano, dapat may malinaw na patutunguhan ang bansa na inaasahang inilantad ni PNoy sa kanyang SONA subalit walang ibinigay maliban sa paghahabol ng pamahalaan sa mga katiwaliang ginawa ng nakaraang administrasyon.

Iginiit ni Cayetano na dapat ay may “vision” ang pamahalaan sa maaaring patutunguhan ng bansa na kung saan ay ating pinapangarap para sa Pilipinas ay makakamit sa taong 2020.

Inamin ng senador na kakailanganin ng sampung taon para mabago ang bansa pero dapat ay may malinaw itong vision.

“A vision without a roadmap is like a dream without an action plan. A journey without a roadmap is like an excursion without destination,” diin ni Cayetano.

Sinabi pa ni Cayetano na batid naman ng lahat na nais ni PNoy na isulong ang pagkakaroon ng “corruption-and-graft-free” sa hinaharap subalit matutupad lamang ito kung may mga planong nakalatag.

Ani Cayetano, kailangan ng admnistrasyon ni PNoy na roadmap para mabatid kung saan patungo ang bansa, maging organized, pragmatic at systematic sa pakikipaglaban sa katiwalian, at ihayag ang katotohanan kung nasaan na ang bansa ngayon na siyang magiging gabay tungo sa direksyon ng pag-unlad na siyang ninanais ng taumbayan.

Gayundin, umaasa si Cayetano na mapaunlad ang educational system sa bansa upang dumami ang bilang ng mga magsisipagtapos at makapaglaan ng mas maraming employment opportunities hindi lamang para sa mga nagsipagtapos kundi ang mga bumabalik na OFWs sa bansa.

Idinagdag pa ni  Cayetano na kailangan din paunlarin ang health care sa bansa kung saan ay dapat suportahan ang dumadaming bilang ng hospitals, barangay health centers at health facilities.

At ang pagsawata sa katiwaliaan na siyang pinapangarap ni PNoy ay tuluyang mawala na kung saan ay hindi kinakailangan na alamin pa kung anu-ano pang mga anomalya ang nagawa ng nakaraang administrasyon.

Aniya, simulan na ngayon sa pamamagitan ng pagkakaisa ng taumbayan at tulung-tulong sa pagpapaunlad ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply