PNoy-MILF meet, tugon sa Mindanao dev’t

MALAKI ang paniniwala ni Senate President Jinggoy Estrada na nagkaroon ng panibagong bugso ang inisyatiba sa kaunlaran ng Mindanao sa naganap na pulong nina Pangulong Benigno Aquino III at liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Sa Tokyo, Japan.

Nakipagpulong si Pangulong Aquino at pinag-usapan ang pagkilos ng pamahalaan sa kapayapaan sa liderator ng MILF sa pamumuno ni Murad Ebrahim, sa isang lugar sa Tokyo na kung nagkasundo ang magkabilang partido na ituloy ang negosasyon sa kasalukuyang administrasyon.

Sa pulong na inilarawan ng Palasyo na isang pakilos na siyang nagsulong sa pagpapatuloy ng pormal na negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at MILF panel na ginanap sa Japan, ang isang bansa na miyembro ng International Contract Group at International Monitoring Team na pawang mga lupon na sangkot sa negosasyon ng kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng PIlipinas at ng MILF.

Itinuturing ng ilang grupo ang pulong na “isang pangunahing pagkilos tungo sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.”

Kabilang sa isinusulong ng senador ang pagbubuo ng Mindanao Development Authority na isusulong ang kakailanganin na kaunlaran sa rehiyon na nilikha sa pagsasabatas ng isang lupon sa ilalim ng Republic   Act (RA) 9996.

Base sa datos, ang Mindanao na may natural na larangan na angkop sa agrikultura, ay nakakapagprodyus ng aabot sa 40 porsiyento ng kabuuang pangangailangan sa pagkain ng buong bansa at aabot sa 30 porsiyento ng pambansang kalakal sa pagkain at iba pang produktong bukid tulad ng goma, pinya, cacao, saging, kape, mais at niyog.

Matagal nang isinusulong ni Estrada ang railway system network na sasakop sa estratehikong lugar sa bansa kabilang ang Mindanao upang mapalakas ang kalakalan at magkaroon ng pamuhunan sa rehiyon.

Nauna nang inaprubahan ang Mindanao railway project na sasakop sa Laguindingan hanggang Cagayan de Oro City; Laguindingan hanggang Iligan City; Cagayan de Oro patungo sa Phividec area sa Tagoloan, Misamis Oriental; at Iligan City hanggang Linamon town, Lanao del Norte. Ngunit, ipinahinto ng proyekto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply